Our Stories
Batang Pinoy, Sana Tall
July 30, 2020
Kung inyong ngang pa pakinggan, pamagat palamang ay hindi ko na maintindihan
Hindi alam kung anong pinanghuhugutan
Tulad kong isang pangkaraniwan
Ngayon tatanungin ko ang sarili ko, ano ba talaga ito?
Paulit-ulit binabanggit ng mommy ko: Anak kumain ka dahil para to sa’yo.
Ako’y matigas ang ulo, oo, aaminin ko
dalawang kamay itataas ko, pagkaing binibigay saakin iniiwasan ko
Kaya mapapa sabi ako: Mommy ayoko, busog pa ako.
Sa bawat araw na dumaraan, gulay ay aking iniiwasan,
Na para bang talong, handang palayain ka na
Bibigyang ilaw ng kalabasa na sisitahin ka, matuto ka lamang
Sabi nila Cherifer daw ang ating kailangan,
Ngunit sabi ni mommy pagkain ng gulay at pagtulog sa tamang oras ang ating kailangan
Para bang upo—uupo ako; opo, makikinig na po, sana maka-relate kayo
Ipipikit ko ang aking mata, dahan-dahang isusubo ang masarap na pagkain na aking nabuo sa imahinasyon
Pero nagkamali ako, mali ako, maswerte pala ako dahil hindi ako nagaya sa mga kapatid ko
Tignan ninyo kinaliit nila kinalaki ko, nakakatawa isipin pero yun ang totoo
Sabi nga sa paksa sana tall pero bakit ganon,
they are small kaya makinig kayo samasama tayo tara isagad natin to
Sofia, 15
(This was written by Sofia as an entry for a Filipino poetry-writing competition among the children of CMSP)